2007
I Hab 2 Hands
Posted in Agaw Agimat on 04.11.07 03:02
I Hab 2 Hands by
Agaw Agimat
Gusto ni Ben mauna
Ayaw n’ya kasing pumila
Gusto n’yang matapos na
Sumimple sa ilalim ng mesa
I hab 2 hands, da lep en da rayt
Hold dem up hay , so clean ang brayt
Klap dem soply, 1 2 3
Clean litol hands are gud to see
H’wag mong sabihing sinabi ko
Baka iba ang masabi mo
H’wag mong ikuwento ang kinuwento ko
Baka iba ang makuwento mo!
Mga kapatid kayo’y lumapit
Mawawala ang lahat ng sakit
Magtiwala kayo kay Brad Pit
10% mo’y pang first class sa langit
Wanliteltu
Posted in Agaw Agimat on 04.11.07 03:01
Wanliteltu by
Agaw Agimat
Buntis ka na naman
Pang-ilan na ba ‘yan
‘Di na natutuo
Apat-apat ang karga habang siya’y naglalaba
Lima ang nakasunod, maliban pa sa natutulog
Bareta sa kanan, tsupon na naman sa kaliwa
Ale, mag-ingat ka baka malabhan mo sila
Bilangin mo, bilangin mo
Baka may nawawala
Wanliteltu liteltri litel indians
Porlitelpayb litelsiks litel indians
Sebenliteleyt litelnayn litel indians
Tenlitel indian boys ang girls
Pagkatapos maglaba, mamamalantsa ka pa
Karga pa rin sila, daig mo pa si Buddha
Niluto mo’y sunog na, nalilito ka ba
Ale, mag-ingat ka baka maluto mo sila
Litung-lito na nga, ang ingay-ingay n’yo pa
Rinding-rindi ka na sa orkestrang uha (uha)
Dumating si Mister, ala’y nagyaya
Ale, mag-ingat, huwag kang tumihaya
Bilangin mo, bilangin mo
Bago ka gumawa
Bago ka tumihaya
Praning
Posted in Agaw Agimat on 04.11.07 02:59
Praning by
Agaw Agimat
Ilang taong ayaw kumain
Tinapon lahat ng inihain
Ilang
taong palaboy-laboy
Ang taba mo, mukha kang baboy
Ilang taong walang kilala
Nagkasakit
nagka-amnesia
Nakakahon ka sa dilim
Ikaw ba’y
napapraning
Nagpapraning- praningan
Nagbabaliw-baliwan….ka!
Ilang taon kang nagkulong
Walang imik kahit na bulong
Nakahubad at umiikot-ikot
Di alam kung nababagot
Ilang taong nagmukmok
Kausap mo raw - mga lamok
Kalaro mo’y surot-surot
Ipis na umiikot-ikot
Sarap Kasi
Posted in Agaw Agimat on 04.11.07 02:58
Sarap Kasi by
Agaw Agimat
Ang bait mo sa masa
Kasalo mo pa sa daing na ulam nila
Kahit halatang di mo gusto
Pinipilit mo, sa laki ng pagmamahal mo
Kinakamayan mo kahit sino
Kahit mag-amoy isda ‘yang kamay mo
Dahil alam mong kailangan nila
Ang iyong pag-aruga at ang pagkalinga
Ang laki ng puso mo
Ang laki ng talino mo
Ang laki ng unawa mo
Ang laki-laki ng pag-ibig mo
Ang laki ng yabang mo
Ang laki ng tapang mo
Ang laki ng angas mo
Ang laki-laki ng ngipin mo!
(Ang laki-laki ng asawa mo!)
Namimigay ka ng bahay at lupa
Trabaho sa mga taong walang-wala
Taos at bukal sa puso mo
Ang ‘yong pagkalinga sa mga kapos at kawawa
Naghahanap ka ng kakampi
Laban sa mga nang-aapi
Pinatawag mong kaibigan mo
Dahil may nanggugulo
Natutuwa ako’t may kagaya mo
Mapagmahal at maprinsipyo
Gusto kitang yakapin nang mahigpit
Sa tuwa, mahigpit na mahigpit
Hanggang di ka na makahinga
Salmos 91
Posted in Agaw Agimat on 04.11.07 02:54
Salmos 91 by
Agaw Agimat
Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan
Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat
Aking sasabihin tungkol sa Panginoon
Siya’y aking kanlungan at aking katibayan
Ang Diyos ko ang Ama na siyang aking tinitiwalaan
Ang katatagan at pagtitiwala sa ating Lumikha
Tumatag ka’t magtiwala sa Diyos mong Ama
Sun & the Rain
Posted in Agaw Agimat, Lyrics on 01.02.07 23:20
Sun & the Rain by Agaw Agimat
Halika, tikman ang ginhawa
Halika, silipin ang umaga
Kumakaway sa ating pagdurusa
Halika, salubungin ang pag-asa
Halika, sa malaya’t payapa
Bahagharing laan ni Bathala
Here comes the sun and the rain
Something that seldom happens
It always scares me of the possibility
That there is a wedding but it seldom happens
Halika, wala nang kulang
Halika, may kapayapaan
Halika, h’wag nang mangamba
Halika, buksan ang unawa
Halika, wala nang ligalig
Halika, buksan ang ating isip
Halika, sumayaw sa ‘ting awit
Halika, ipagdiwang ang pag-ibig
Pag-asa, payapa, ginhawa, unawa
Wala ng kulang, may kapayapaan
Buksan ang isip
Halika, tayo nang umibig
Musmos
Posted in Agaw Agimat, Lyrics on 01.02.07 23:19
Musmos by Agaw Agimat
‘Di mo alam ang ngayon
Wala ka pang kahapon
Bukas mo’y hinuhubog
Ng ating panahon
‘Di ka natatakot
Sa aninong sumusunod
‘Di mo naririnig
Bulong ng dilim sa isip
Pagmasdan ang kabataan
Walang takot, inuurungan
Walang inggit, walang galit
Pagmasdan kanyang pag-ibig
Payapa na paligid
Walang kaba sa ‘yong dibdib
Payapa ang iyong isip
Walang nadamang panganib
Simple lang ang iyong nais
Mahigpit na yakap, tamis ng halik
Araw na tahimik
Oras na puno ng pag ibig
Nasaan Na Nga Ba ang Pag-ibig?
Posted in Agaw Agimat, Lyrics on 01.02.07 23:17
Nasaan Na Nga Ba ang Pag-ibig? by Agaw Agimat
May kaba sa aking dibdib
May ligalig sa aking isip
May nadaramang kaguluhan
Sa puso nati’y puno ng digmaan
Gumugulo sa aking isipan
Gustong isigaw nararamdaman
Mga pusong luhaan
Mga pasakit, kailan maibsan
Nasa’n nga ba ang pag-ibig
Ba’t nadarama’y ligalig
Nasa’n nga ba ang pag-ibig
‘Di nyo ba kami naririnig
Mga batang walang kinabukasan
Pakalat-kalat sa lansangan
Magsasakang walang makain
Kanino kaya kanilang aanihin
Mga sundalo sa walang kwentang digmaan
Butas ang sapatos, walang laman ang tiyan
Mga manggagawang nagpapanday
Walang matir’han, wala pa ring bahay
Mr. Swatman
Posted in Agaw Agimat, Lyrics on 01.02.07 23:16
Mr. Swatman by Agaw Agimat
Get your hands off that boy
Don’t smash his head with a bam-bam
We’re not happy with your toy
They just wanna enjoy-joy
Yes, it’s safe to turn your back
But you don’t know much about that
Now, put away your riot helmets
Crazy wearin’ those bullet-proof vests
Now put away those guns
Oi, boy’s not a threat
No trouble, no regrets
Oi, oi, oi
Leave us Mr. Swatman
Get your guns off that boy
Please don’t use your bang-bang
They’re just here to enjoy
All they want is to slam-slam
Ayaw Mo Na!
Posted in Agaw Agimat, Lyrics on 01.02.07 23:15
Ayaw Mo Na! by Agaw Agimat
Nagsasabi ka ba ng totoo
Sa lahat ng pahiwatig mo
‘Di makapaniwalang ika’y nagbago
Nami-miss mo pa ba ako
Nagsasabi ka ba ng katotohanan
Sa iyong mga nararamdaman
Parang ‘di ko maubos maisip
Nagbago na rin pati pananamit
Mahal kita, ba’t ayaw mo na
Ayaw mo na kasi mahal mo s’ya
Gusto kita, ‘yan ang totoo
Ayaw mo na, gusto mo katulad mo
Nagsasabi ka ba ng tunay
Sa mga nangyari sa ‘yong buhay
Parang ako’y nagtataka
‘Di na ikaw ang dati kong kakilala
Wala bang bahid ng kasinungalingan
Ang mga sinulat mo sa ‘yong liham
Gusto kitang makita’t makausap
Baka nalito lang kaya ka nagkakalat
Enter your email address:


